3.8.11

Nakasabit/Hanging


Habang naglalakad kami ng aking anak sa kalagitnaan ng siyudad ay nakita namin ito. Isang taong animo'y nakasabit sa kawalan. 

Sa mga nakaraang taon ay ganito ang mga nakikita natin sa mga yogi, o yung nagpapraktis ng yoga, karamihan ay mga Indian. Maraming tao ang nakapalibot sa kanya at kami ng aking anak ay nagmasid. Siyempre pa alam ko kung paano siya nakasabit, pero iyon ay haka-haka ko lang. 

Para sa akin ang tungkod ay isang matibay at matatag na metal...hindi ko man nakikita ay alam kong nakasuot ang karugtong ng tungkod na iyon sa kanyang manggas papunta sa likod at may nakasabit na upuan at sya ay nakaupo doon. Ang tungkod sa aking palagay ay nakakabit sa metal na nakatago sa ilalim ng basahan.

Pagkalipas ng ilang araw ay saka ko lamang nailagay sa facebook ang litratong ito at ayun nga may naglagay ng link sa video kung saan ipinapakita ito.

Tama nga ang aking pag-aanalisa.





for:


Will translate in English later...

5 comments :

  1. interesting to know about this. never knew this before.

    ReplyDelete
  2. Grabe! Nakakailabot naman yan Mirage! Napakahusay! Maraming Salamat sa paghatid mo nito!

    I am very much Inspired with your Posting in Filipino! I should try this one time as well! More power to your Blog and Mabuhay ka kababayan!

    Steven^^

    ReplyDelete
  3. Awww, too bad the video is no longer available. I wanted to see how they actually do it. We have the same theory as to how they do it. But still crazy how many people believed in the trick.

    ReplyDelete
  4. ayan, pede na akong magtagalog. hay.. daya naman niya! kasi naman parang napakaimposible ng ginagawa nya.

    ReplyDelete
  5. i am one of those who fall for the trick, isn't it just amazing but i guess, it really is humanly impossible to do even if you are a very experienced yogi...

    ReplyDelete